Saturday, April 9, 2016

Pwede AkongMahalin


Pwede akong mahalin.

Mahirap lang siguro, pero pwede naman din.

Hindi man ako kasing puti, at kasing kinis 
Ng mga babaeng nakikita mo sa TV,
 
o sa Social Media na mahilig mag selfie,
Kalooban ko naman ay malinis

Pwede ako mahalin kahit di din nmn ako sexy, 
Pero aanhin mo ba talaga ang physical na beauty
Kung ang ugali naman ay “pa-sossy?“ 
Isa lang ang masisiguro ko, 
loyal ako kung magmahal
At gagawin ang lahat para tayo ay magtagal 

Beach buddy, movie buddy, travel buddy, or pig out buddy
Yan ay kering-keri
Mamimiss kita pag wala ka
Pero hahayaan din kitang mag enjoy ng di ako kasama
Basta’t siguraduhin mo lang
Na walang kalokohanng hahadlang

Magiging proud ako sa iyong mga tagumpay
At susuportahan ka nang walang humpay
At kapag naman medyo minalas
Patatawanin kita ng madalas
Gagawa ng mga bagay na iyong ikasasaya
Kahit minsan ay magmukha nang tanga
Basta’t naka ngiti ka ay walang problema

Hindi ko maipapangako na magiging perfect akong tao
Pero pag sinubukan mo ay siguradong achieve na achieve tayo
May forever man o wala, hindi pa din ako madadala
Na hanapin ang taong mag mamahal sa akin ng malala
Dahil naniniwala akong lahat tayo ay may karapatang lumigaya
At mahalin ng walang pandaraya

Nasaan ka man ngayon
Alam kong magkikita din tayo, sa tamang panahon
Push lang ng push ang pagdarasal 
Dahil alam kong ang plano ni Lord para sa atin ay iiral
Kapit lang, hintay lang, darating din tayo dyan.


Pwede Akong Mahalin
By:Ice de Guia